
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Miyerkules, March 8, 2023
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA Amihan ang nakakaapekto sa bahaging Luzon.
Ang Western Visayas, Occidental Mindoro, at ang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan. At ang natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, o pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang ang iiral sa Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)