
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Myerkules December 28, 2022
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Myerkules December 28, 2022.
SYNOPSIS: Alas 3:00 ng madaling araw ngayon, tinantya ang Low Pressure Area (LPA) base sa lahat ng available na datos sa 475 km East ng Hinatuan, Surigao del Sur (7.8N, 130.6E). Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTATAYA:
Ang Palawan, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region ay magkakaroon ng Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon at Bicol Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa NE monsoon.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon.
Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms.
Katamtaman-Malakas na hangin mula sa NE ang iiral sa Luzon at Visayas na may katamtaman-maalon na karagatan (2.5-5.0m).
Katamtaman-Malakas na hangin mula sa NE-NW ang iiral sa natitirang bahagi ng Mindanao na may katamtaman-maalon na karagatan (1.2-4.0m).
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa