
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Myerkules February 08, 2023
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Myerkules February 08, 2023.
SYNOPSIS: Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms. Ang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot nang Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa silangang bahagi nang Visayas na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa natitirang bahagi nang Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa