Skip to main content

Narito Ang Latest Na Lagay Ng Ating Panahon Ngayong Umaga Araw Ng Myerkules July 26,2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
SYNOPSIS: Sa 4:00 AM ngayong araw, ang sentro ng mata ng Bagyong “EGAY” {DOKSURI} ay tinantya batay sa lahat ng magagamit na data sa baybaying dagat ng Aparri (Fuga Is.), Cagayan (18.8 °N, 121.3 °E ) na may maximum sustained winds na 175 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 240 km/h. Kumikilos ito Pakanluran sa bilis na 20 km/h. Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Visayas, Mindanao, at kanlurang bahagi ng Southern Luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat / TY EGAY.
Malalakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro na may maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan