Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Sabado, December 03, 2022

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Sabado, December 03, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA;
Ang Shear Line ang nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon. Easterlies naman ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang Eastern Visayas at katimogang bahagi ng Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng Easterlies. Ang natitirang bahagi ng Visayas, natitirang bahagi ng Palawan at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Easterlies / localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro at may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan (1.2-4.0m). Mahina hanggang sa Katamtaman na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa Visayas at may mahina hanggang sa katamtaman na pag-alon sa karagatan (0.6-2.5m).
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan