
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Sabado, December 17, 2022
Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Sabado, December 17, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Northern Luzon.
Ang buong bahagi ng Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan, pagkidlat-pagkulog dulot ng ITCZ/localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at sa Occidental Mindoro na may katamtaman na hangin hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)