Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Sabado December 24, 2022

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Sabado December 24, 2022.
SYNOPSIS: Shearline na nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas. Northeast Monsoon na nakakaapekto sa natitirang bahagi ng Luzon.
PAGTATAYA:
Silangang Visayas Maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Shearline.
Ang Bicol Region, Palawan, Dinagat Islands, at ang natitirang bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Shearline.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Ang Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Localized Thunderstorms.
Katamtaman-Malakas na hangin mula sa NE-North ang iiral sa Luzon, Visayas, at silangang bahagi ng Mindanao na may katamtaman-maalon na karagatan (2.5-5.0m).
Mahina-katamtamang hangin mula sa H-NE ang iiral sa Mindanao na may bahagyang katamtamang karagatan(0.6-2.5m).
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan