
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Sabado December 31, 2022
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Sabado December 31, 2022.
SYNOPSIS: Shear Line na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon. Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Northern at Central Luzon.
PAGTATAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Silangan hanggang Hilagang-silangan ang iiral sa Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Mahina hanggang sa Katamtamang hangin mula sa Silangan hanggang Hilagang-silangan ang iiral sa Visayas na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa