Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Sabado, January 08, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Sabado, January 08, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Trough of Low Pressure Area (LPA) ang nakakaapekto sa Visayas at Mindanao. Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
Ang buong Visayas at ang timog na bahagi nang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Trough ng LPA. Ang natitirang bahagi Palawan at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ccto: Dost_pagasa

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan