Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Sabado January 21, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Sabado January 21, 2023.
SYNOPSIS: Shear Line na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon. Northeast Monsoon na nakakaapekto sa natitirang bahagi ng Luzon.
PAGTAYA:
Ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dulot ng Amihan. Ang Visayas at ang Palawan kasama na ang Kalayaan Island ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan