
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Sabado March 4, 2023
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
SYNOPSIS: Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTAYA:
Ang Western Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan. Ang natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, o pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa