Skip to main content

Narito ang latest na Lagay ng Ating Panahon | September 11, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Lunes, September 11, 2023
SYNOPSIS: Sa kasalukuyan, base sa latest satellite image ay dalawang Low Pressure Area (LPA) ang ating minomonitor. Ang isa ay sa loob ng Area of Responsibility ng bansa sa layong 875km Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon (23.5°N, 129.8°E), habang ang sa labas naman ay may layong 1,960km Silangan Hilagang-Silangan ng Silangang Visayas. Ang Southwest Monsoon ay patuloy na nakakaapekto sa bahagi ng Mindanao.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang mga pag-ulan dulot ng Habagat / Localized Thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog-Kanluran hanggang Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart-CERU)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan