Skip to main content

Narito ang Latest na Lagay ng Ating Panahon | September 12,2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes September 12,2023.
SYNOPSIS: Sa 3:00 AM ngayong araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinantya batay sa lahat ng available na data sa 790 km East Northeast ng Basco, Batanes (21.9°N, 129.4°E). Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
PAGTAYA:
Ang Western Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat.
Ang natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang mga pag-ulan dulot ng Habagat / Localized Thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog-Kanluran hanggang Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343 (Smart-CERU)
ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan