Skip to main content

Narito ang Latest na Lagay ng Ating Panahon | September 17, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Linggo, September 17, 2023
SYNOPSIS: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) (ang lugar kung saan ang hangin ng Northern Hemisphere at Southern Hemisphere ay nagtatagpo na nagdudulot ng mga sama ng panahon tulad ng mga LPA at Bagyo) ang umiiral ngayon sa Mindanao.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Localized Thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Silangan hanggang sa Timog-Silangan ang iiral sa Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong Visayas na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart-CERU)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan