NATIONAL AGENCIES ONE STOP SHOP

Sa kauna-unahang pagkakataon sa ating Lokal na Pamahalaan ay magkakaroon na ng One-Stop Shop na opisina ang ating mga National Agencies (PCSD, DENR, DTI at BIR) sa inisyatibo at pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera.

Ang tanggapan na ito ay isinakatuparan para sa pagasikaso at pagproseso ng mga pangunahing dokumento sa mga nasabing sektor ng Gobyerno. Inaasahang magbubukas ang National Agencies One-Stop Shop sa susunod na linggo.

Bagamat nilalabanan natin ang pandemya ay patuloy ang pagbibigay serbisyo sa bayan ng Culion. Patuloy na tinutupad ni Mayor V at ng ating lokal na pamahalaan ang paglapit ng mga serbisyo sa ating mga komunidad. Pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa pag abante ng ating bayan.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!