
NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH, SINIMULAN!
TINGNAN: NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH, SINIMULAN!
Tuwing buwan ng hulyo, ating ipinagdiriwang ang National Disaster Resilience Month upang mas mapaigting ang kahandaan sa panahon ng sakuna. Sa pamamagitan ng opisina ng MDRRMO mabibigyan ng mabisang kaalaman ang bawat isa upang kanilang magamit sa oras ng kalamidad at maihanda sa mga posibleng trahedya.
Pinangunahan ni Mayor Ma. Virginia N. De Vera, kasama ang mga lokal na opisyales, iba’t-ibang ahensya at pribadong sektor ang pagdiriwang na nagsimula sa isang motorcade. Mula sa munting programa, binigyan ng kagamitang pang disinfect ang DEPED Culion upang kanilang magamit sa paaralan. Ipinasilip ng MDRRMO ang mga mahahalagang kagamitang pang kaligtasan upang maipakita ang pagiging handa ng ating lokal na pamahalaan pagdating sa disaster response.
Unang-una sa prayoridad ni Mayor V ang kaligtasan ng bawat isa. Tayong lahat ay sama-sama sa pagsulong tungo sa matatag na kahandaan sa bagong normal.
#NDRMonth2022
#buhayhanda
#AbanteCulion