Skip to main content

National Social Pension Payout para sa ating mga Senior Citizens (Jan. – June, 2022)

PABATID
Nais pong ipabatid ng MSWD at ng OSCA na sa darating na July 11-15, 2022 ay ating isasagawa ang National Social Pension Payout para sa ating mga Senior Citizens (Jan. – June, 2022).
Ang mga sumusunod ay mga kinakailangang dokumento upang makuha ang kanilang pensyon.
1. Senior Citizen na personal na kukuha ng kanilang Pensyon
 OSCA ID (Orihinal at Photocopy)
 At iba pang government issued ID gaya ng Barangay ID, Voters ID o Vaccination Card.
2. Senior Citizen na hindi personal na kukuha ng kanilang pensyon (bedridden, may sakit, walang kakayahang maglakad ng malayo na nandirito sa bayan ng Culion lamang)
 Photocopy ng ID ng representante
 Photocopy ng ID ng Senior Citizen
 Authorization Letter ng Senior Citizen (pirmado or thumbmark kung thumbmark din po sa ID)
 Larawan (Picture) ng Senior Citizen at representante na hawak ang Authorization Letter na may lagda ng Barangay Senior Citizen Chapter President ng Samahan ng Senior Citizen sa kanilang na sasakupang Barangay.
 Medical Certificate/Barangay Health Certificate na pirmado ng Nurse, Midwife or Barangay Health Worker
Note: Ang pinahihintulutang lamang pong mag bigay ng pahintulot (Authorization) ay ang mga Senior Citizens na may karamdaman at Bedridden na kasalukuyan nandirito sa Bayan ng Culion.
3. Deceased Senior Citizen o para po doon sa mga pumanaw ng nakatatanda
 Orihinal na kopya ng Death Certificate ng Senior Citizen na pumanaw
 Photocopy ng ID ng representante
 Photocopy ng ID ng Senior Citizen
 Warranty and Release from Liability na magmumula po sa tanggapan ng OSCA
Ito naman po ang schedule at venue ng nasabing Payout sa bawat Barangay:
July 11, 2022 – Barangay Hall
a) Carabao
b) Galoc
July 12, 2022 – Barangay Hall
a) Burabod – Umaga
Halsey – Hapon
b) Luac
July 13, 2022 – Barangay Hall
a) Binudac
b) Osmena, Libis, Baldat
July 14, 2022 – Barangay Covered Court
a) Malaking Patag
b) Balala, Jardin, Culango, Tiza
July 15, 2022 – MSWD OFFICE
NO SHOW
Ang inyong seguridad at kapakanan ay higit na mahalaga sa amin. Magtulungan po tayo at magkaisa para sa maayos na daloy ng ating aktibidad.
Kung kayo po ay may mga katanungan o paglilinaw mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa aming tanggapan (MSWD o OSCA) o tumawag sa cellphone number 09184100597 or 09260628475.
Maraming Salamat po.
#Abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan