
NATIONAL SOCIAL PENSION PAYOUT PARA SA MGA SENIOR CITIZEN NG CULION MATAGUMPAY NA NAISAGAWA
TIGNAN: NATIONAL SOCIAL PENSION PAYOUT PARA SA MGA SENIOR CITIZEN NG CULION MATAGUMPAY NA NAISAGAWA
Sa Derektiba ng ating Punong Bayan, Ma Virginia N. De Vera at sa pangunguna ng tanggapan ng Office of the Senior Citzens katuwang ang tanggapn ng Municipal Social Welfare and Development Office ay noong ika-23 hanggang 28 ng Enero ay matagumpay na naipamahagi sa ating mga Senior Citizens ang kanilang mga Pension para sa buwan ng Hulyo hanggang Desyembre taong 2022 na dinaluhan ng 1,164 na senior citizen national pensioner.
Ang tanggapan ng MSWDO ay nagpapasalamat sa mga opisina at mga Barangays nq naging katuwang upang maging matagumpay ang nasabing programa.
Update: Ngayong araw (January 31, 2023) ay kasalukuyang ipinamamahagi sa ating mga senior citizens na bedridden ang kanilang mga pension sa pamamagitan ng PENSYON MO IHAHATID KO PROGRAM ng ating pamahalaan.
Muli ang aming pasasalamat po sa DSWD MIMAROPA sa programang ito parq sa ating mga nakatatanda
#AbanteCulion
#AbanteSeniorCitizens
#goodbyetensionhellopension
#MSWDOINACTION