Skip to main content

NCoV Prevention

Kung ating babalikan ay nagpatawag si Mayor V ng series of emergency meeting sa MDRRM Council kasama ang Department Heads, mga Punong Barangay at ating inanyayahan dito ang Acting Division Manager ng PPA para sa mas maingat na pagbabantay sa ating mga pasahero. Napagkasunduan kahapon na pili lamang ang mga opisyal na docking site at disembarkation site ng lahat ng mga pasaherong papasok at lalabas ng Culion na kung saan ang PPA Culion, Osmeña Boat Landing, Libis Boat Landing, Balala Boat Landing, Culango Boat Landing at Jardin Boat Landing.

Tayo rin po ay naglagay ng Health Desk sa loob ng PPA at mga tents sa mga boat landings na kung saan sinusuri ang bawat pasahero sa kanilang body temperature at history of travel at nagbibigay rin po tayo ng mga EIC materials patungkol sa sintomas at paraan ng pagproteksyon sa sarili laban sa NCoV. Ipinapatupad din po natin ang comprehensive screening tool na mula sa DOH at may nakahandang isolation area at fastlane sa RHU para sa mga suspected NCoV patients.

Wala mang konpirmadong insidente ng NCoV sa Bansa, direktiba ni Mayor V na iprayoridad ang seguridad at kaligtasan ng ating mga kababayan. Abante Culion!

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan