
NEWS: KAUNA-UNAHANG LOCAL PUBLIC TRANSPORT ROUTE PLAN NG CULION APROBADO AT TAPOS NA!
Isa ang transportasyon sa pangunahing pangangailangan ng lahat sa pang araw-araw, kung kayat ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor Ma. Virginia N. De Vera, kanyang inatasan sa pangunguna ng Acting-MPDC Ms. Josephine C. Rabang na balangkasin ang Local Public Transport Route Plan bilang tugon sa Department Order No. 2017-011 of the DOTr.
Nais masiguro ng lokal na pamahalaan na mapaghahandaan ang hinaharap sa pag-unlad ng bayan ng Culion. Ang LPTRP ay isang matagalang solusyong plano sa pag lobo ng populasyon, pag lago ng ekonomiya at pag dami ng turismo sa bayan.
Matapos ang ilan buwang preparasyon at pag kunsulta katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasabing plano ay matagumpay na natapos, naaprubahan at kaunaunahang LPTRP ng Culion na nabalangkas para sa bayan na matagal na panahon (SB Resolution No. 2020-1706, Approving and adopting the 25-Year LPTRP of Culion).
Ito’y pagpapakita ng pagiging agresibo ng administrasyong Mayor V na maisaayos ang bayan tungo sa pag abante.
#LPTRP
#WorkingMayor
#PlansforCulion
#AbanteCulion!