Ngayong araw ay sinimulan ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda sa mga barangay ( Galoc, Luac at Burabod)

Ngayong araw ay sinimulan ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda sa mga barangay ( Galoc, Luac at Burabod) na hindi kasama sa poblacion barangays. Bagamat hindi kasama sa enhanced community quarantine ay naapektuhan pa rin ang mga nasabing barangay dahil sa limitadong pag galaw na epekto ng Poblacion barangays. Inaasahan na patuloy ang pamamahagi ng ayuda bukas sa ibat ibang barangay sa labas ng Poblacion barangays.

Brgy Burabod – Team MAO ( Headed by Arnel Alcantara)

Brgy Galoc – Team Tourism and MCR ( Headed by Jubelle Cabatingan at Irah Lagrosa)

Brgu Luac – Team MSWD and Assessor ( Headed by Arlene Ballesca and Edda Dimanalata)

Pinasasalamatan din natin ang lahat ng ating mga kawani ng lokal na pamahalaan sa patuloy na sakripisyo at buong tapang na pagsisilbi sa ating komunidad.

Inaasahan din ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pagsunod sa mga alituntunin at protocol upang agarang malampasan ang pagsubok na kinahaharap ng ating bayan. Hilom Culion! Abante Culion!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan