Skip to main content

November 01, 2023 – Unang Araw ng Pag-Gunita ng Undas sa ating Bayan

Isang Ligtas na Araw Culionaires!
Parte na ng kulturang Pilipino ang pag bisita sa mga sementeryo tuwing Nov 1 and 2 upang magsindi ng kandila at mag-alay ng bulaklak at panalangin sa mga namayapang mahal sa buhay. Dahil dito, inatasan ng ating butihing Punong Bayan, Hon. Ma. Virginia N. De Vera, ang MDRRMO na pangunahan ang pagseseguro na magiging ligtas at mapayapa ang selebrasyon ng Undas ngayong taon katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Lokal at Nasyunal tulad ng MHO, PNP, BFP, PCG, Brgy Officials and Tanod.
Anumang insidente o hindi kanais nais na pangyayari maaari po lamang i.report sa First Responders O Security Personnel na nakatalaga sa entrance ng Pilapil at Jardin cemetery.
Panatilihing uminom ng tubig upang maiwasan ang dehydration. Meron po tayong Hydration Station o malinis na tubig inumin para sa mga nauuhaw malapit po sa ating First Aid Station.
Magingat po ang lahat, pagbati ng isang ligtas at mapayapang selebrasyon ng araw ng mga kaluluwa. Salamat po.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan