
O P I S Y A L N A P A B A T I D SASAGUTIN ANG MGA KALITUAN
O P I S Y A L N A P A B A T I D
SASAGUTIN ANG MGA KALITUAN:
1. Anu anung mga tindahan o establisimento ang pinapayagang bukas mula alas 6 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi:
Tindahan ng mga common basic needs.
Water Station
Kainan ( TAKE OUT only)
Pharmacies / Botika
Vulcanizing Shop ( Hindi pwede nakatambay ang customer)
Talipapa ( Jardin at Balala)
Private Medical Clinics
Money Remittance Center ( Pawnshop, Pera Padala/Smart Money)
Gasoline Station
2. Anong oras ang itinalaga para maging bukas o operational ang mga pinapayagang establisimento?
o Ang lahat ng estabilisimentong pinapayagang magin bukas o operational ay maaring bukas mula alas 5 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.
3. Anu anu ang mga pinapayagang serbisyong door to door delivery services?
Medicines Delivery ( House to House)
Water Delivery ( House to House)
Bakery Deliveries sa mga Tindahan lamang at hindi house to house.
Ang mga establisimentong may intensyong gawin ang delivery services ay kailangan humingi ng authority letter sa lokal na Pamahalaan. Ang walang authority letter ay hindi papayagan sa ating mga checkpoint areas.
4. Anung mga sasakyan ang pwedeng gamitin para sa cargo?
Maaring gamitin ang mga private truck, jeep, bus o chariot sa ating mga cargo at nililimitahan lamang sa isang driver at isang kasama lamang na kailangang sumunod sa social distancing guidelines.
5. Sino ang hindi pwedeng bigyan ng BARANGAY PASS SLIP?
Hindi pwedeng bigyan ng BARANGAY PASS SLIP ang mga bata 15 years old and below at mga SENIOR CITIZENS.
6. Ipinagbabawal ba ang pag angkas sa motorsiklo?
Tama, ipinagbabawal ang pag angkas sa motorsiklo maliban sa ang naka angkas ay kasama sa trabaho, kapamilya na ihahatid sa trabaho, o mga frontliners.