Skip to main content

October 31, 2023 – LGU Preparation for Undas 2023

Isang Ligtas na Araw Culionaires!
Inatasan ng ating Punong Bayan, Hon. Ma. Virginia N. De Vera ang Opisina ng MDRRM kasama ang mga departamento ng MEO, Tourism Office, at GSO na magsagawa ng paglilinis ng mga daanan sa sementeryo upang masegurong ligtas ang mga daraanan papunta sa kinalalagyan ng mga namayapang mahal sa buhay.
Nov 01, 2023 – Tayo rin ay inatasan ng ating Punong Bayan na hanapin ang mga kababayan nating matagal ng pumanaw, luma at may sira-sirang puntod na hindi na nabibisita ng kanilang kamag-anak o dahil sa wala na silang kamag-anak na naririto sa ating bayan upang sila ay pagsindihan ng kandila bilang simpleng pagbibigay alaala sa kanilang puntod.
Magingat po ang lahat, pagbati ng isang ligtas at mapayapang selebrayon ng araw ng mga kaluluwa. Salamat po.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan