
Operation and Warning Division
Magandang Hapon Bayan ng Culion!
Dahil sa nalalapit na kapaskuhan, kaliwa’t kanang inuman at selebrasyon ang inaasahan, dahil dito ang Opisina ng MDRMM sa pamamagitan ng “Operation and Warning Division” ay nagpapaalala na mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alak o bawal na gamot upang maiwasan ang anumang uri ng aksidente na maaaring ikapahamak ng motorista.
REPUBLIC ACT 10586
Isang Batas na Nagpaparusa sa Mga Taong Nagmamaneho sa Ilalim ng Impluwensya ng Alak, Mapanganib na Droga, At Katulad na Sangkap, At Para sa Iba Pang Layunin” o mas kilala bilang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013”.
Ayon sa ahensya, ang mga mahuhuling lumabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng 2,000.00 at mapapawalang-bisa ang driver’s license.
Kaya paalala ng MDRRMO sa mga motorista sumunod sa batas-trapiko at pahalagahan ang buhay mo at ang mga taong nasa paligid mo.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)