
Opisyal na Pabatid February 27, 2020
O P I S Y A L N A P A B A T I D
Ito ay ang opisyal na pabatid ng Lokal na Pamahalaan ng Culion, tungkol sa isyu na kinasasangkutan ng mga residente ng Sitio Calimango ng Barangay Galoc at Barangay De Carabao, ang nasabing mga residente ay di umano ay kinasal sa isang kasalang bayan na pinasimunuan ni Fr. Caabay, ang nasabing kasalan ay naganap noong Marso 24, 2017.
Ilan sa mga kinasal ay lumapit sa opisina ng Municipal Civil Registrar upang humingi ng ayuda sa kanilang suliranin sapagkat hinde sila mabigyan ng kopya ng Marriage Certificate mula sa nasabing opisina.
Napag alaman pagkatapos ng pagsisiyasat na ang mga nasabing mga partido ay ikinasal ng walang kaukulang mga rekisitos na hinihingi ng Family Code of the Philippines, ayun sa nasabing batas ang mga mag aasawa ay kailangan muna mag apply ng marriage license at sumailalim sa mandatory seminar.
Napag alaman na sila ay kinasal ng wala ang nasabing dokumento, bagkus ang kanilang kasal ay hinde kinikilala ng estado dahil ito ay walang bisa.
Nais ipabatid ng ating Lokal na Pamahalaan na lumapit lamang sa ating Municipal Civil Registrar ang iba pang mga partido na naapektuhan ng ganitong sitwasyon upang maikoordinate at masiayus ang estado ng kanilang mga kasal.
Nais din makiusap ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng mga Opisyal ng ibat ibang sekta na may kapangyarihan na magkasal sa ilalim ng ating batas na maging maingat at sumunod sa alituntunin ng Family Code of the Philippines. Huwag maging pabaya sa responsibilidad na sinasaad sa batas.
Kinundina ng Pamahalang Lokal ng Culion ang mga iresponsable at pabayang pag ganap sa tungkulin, ang kasal ay hindi basta basta isang seremonya na ginaganap, may mga batas at alituntunin na dapat sundin upang ito ay maprotektahan at para ito ay kilalanin ng estado.