Skip to main content

OPISYAL NA PABATID: MIATF Meeting (September 1, 2020)

OPISYAL NA PABATID

Mula sa MIATF Meeting na naganap nito lamang Martes, September 1, 2020 kasama ang lahat ng mga Punong Barangay ay nagdesisyon ang buong kapulungan ng MIATF na i-lift na ang “Enhanced Regulation of Home Quarantine” na naging epektibo noong August 23, 2020. Ang mga sumusunod ay mga polisiyang ating ipapatupad simula September 2, 2020;

1. Executive Order No. 32 o ang “Modified General Community Quarantine” ng Bayang ito.

2. Patuloy parin tayong maghihigpit sa ating mga border sa mga palabas at papasok na mula sa bayan ng Coron at Busuanga kaya naman ipinagbabawal din natin ang sea public transport. Tanging ang mga Medical, Emergencies at mga “Urgent Essentials” lamang ang ating pinapayagan na makapasok sa ating mga borders. Sa kabilang banda, ang mga pampublikong mga sasakyang panlupa ay maaari na magbyahe ngunit mahigpit nating ipinagbabawal ang mga pagpapasakay ng mga pasyente mula sa iba’t ibang munisipyo.

3. Para sa mga itinalagang bahay tuluyan ng mga karatig nating munisipyo, atin pong pansamantalang ipinagbabawal ang pagpapatuloy sa mga kamag-anak ng mga pasyente. Tanging ang mga pasyenteng buntis na nasa ka-buwanan at ang kanilang kamag-anak na magbabantay lamang ang ating pinapayagan.

4. Ang mga identified primary close contacts ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay sumailalim sa extended home quarantine na siya namang imomonitor ng kani-kanilang mga nasasakupang barangay.

5. Nakasaad sa ating Executive Order No. 33 ang pagbubukas ng mga tourism related establishment sa ilalim ng mga polisiya ng MGCQ na kung saan ay pinapayagan ang mga tourism related activities sa MGCQ. Sa kabilang banda, ipinagbabawal natin ang mga inter-island tourism activities o mga island hopping. Tanging mga tourism activities lamang na maaaring gawin sa mainland-Culion lamang ang pinapayagan.

6. Para naman po sa mga may transactions sa Bangko sa bayan ng Coron, magtatalaga ang ating pamunuan sa mga susunod na araw kung sino ang awtorisadong magproseso ng inyong mga “banking needs”, sa pamamagitan ng “Pasuyo System”.

Ang kooperasyon ng publiko sa lokal na pamahalaan ang magiging susi upang mapigilan natin ang ano mang suliranin na darating sa ating komunidad. Sama sama tayo na lalaban sa epidemyang ito. Abante Culion, sabay sabay tayong susulong sa hinaharap nap uno ng tagumpay at pag-asa.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan