
OPISYAL NA PABATID Nagpulong ang MIATF upang Talakayin ang mga Issues Patungkol sa Kasalukuyang Sitwasyon ng ating Bayan
Nito lamang November 5, 2020 ay nagpulong ang MIATF upang talakayin ang mga issues patungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bayan. Sa pagpupulong din na ito, ay nairesolba ng MIATF ang mga pagbabagong ginawa sa ating MGCQ guidelines na magiging epektibo sa November 7, 2020 dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng Covid sa buong Palawan. Sa bisa ng bagong Executive Order na naglalaman ng Guidelines sa MGCQ ng ating bayan ay may mga pagbabago sa mga protocols na ipatutupad.
a. Mandatory na pagsuot ng face masks or shield sa lahat ng pagkakataon,
b. Pagsunod sa one (1) meter Social Distancing,
c. Lahat ng residente ay maaaring lumabas ng kanilang mga tahanan maliban sa may mga edad 14 years old pababa at 65 years old pataas,
d. Ang mga Social gatherings tulad ng pagsisimba ay pinapayagan na, kasabay nito ay dapat na tumupad sa Social Distancing at ang kapasidad ng lugar na pagdadausan ay limitado lamang sa 50% na kapasidad,
e. Ang mga Saloons, Barbershops at mga Food Establishments ay pinapayagan na magoperate, kasabay nito ay limitado lamang sa 50% na kapasidad ng establisyimento,
f. Pinapayagan din ang pagbili at pagbenta ng mga inuming nakalalasing, ngunit ito ay ipinagbabawal sa mga pampublikong lugar,
g. Curfew ay ipatutupad simula 10 pm to 5 am,
h. Mananatiling nag-iisang entry and exit sa lahat ng sasakyang pandagat ang PPA,
i. Mananatili ang mga check-point sa lahat ng boat landing strips at iba pag dungguan ng mga sasakyang pandagat,
j. Pinapayagan na ang mga outdoor activities at sports activities maliban sa basketball, volleyball at iba pang sports na magkakaroon ng contact sa ibang tao,
k. Ang mga tourism activities ay pinapayagan na sa loob lamang ng sakop ng munisipyo. Lahat na nagnanais na mag-island hoping ay kinakailangan magkaroon ng tourism pass na manggagaling sa ating Municipal Tourism Office,
l. Lahat ng tourism related na mga establisyimento ay kinakailangan magkaroon ng authority to operate sa Department of Tourism at kinakailangan ding sundin ang mga polisiyang pinatutupad ng ating pamahalaan,
Patungkol sa naman sa lokal na Travel Protocol na nahahati sa limang kategorya,
a. Same day Travel outside Culion, kinakailangang magkaroon ng Travel Order mula sa ating pamahalaan. Hindi na kinakailangan pang iquarantine hangga’t ang purpose ng travel order ay nasunod at hindi nagkaroon ng iba pang mga lakad maliban sa idineklara sa travel order,
b. Travel Outside Culion within the Province of Palawan, kinakailangang magkaroon ng Travel Order mula sa ating pamahalaan. Ang quarantine protocol sa pagbalik sa ating bayan ay depende sa pinanggalingang lugar:
b.1. Kung ang pinanggalingang lugar ay walang record ng local transmission ay hindi na kinakailangang iquarantine
b.1.1 Kinakailangan din na magpakita ng certification na walang travel history palabas ng pinanggalingang lugar
b.2. Kung ang pinanggalingang lugar ay may history ng local transmission ay kinakailangang sumailalim sa 14-day home quarantine
b.2.1 Kinakailangan din na magpakita ng certification na walang travel history palabas ng pinanggalingang lugar sa loob ng 21 days
b.3 Kung ang pinanggalingang lugar ay may active local transmission ay kinakailangang sumailalim sa 14-day facility quarantine
c. Locally Stranded Individuals or ROFs from outside Palawan, kinakailangang makipagcoordinate sa ating Municipal Tourism Office at lahat ay sasailalim sa 14-day facility quarantine
d. Authorized Person Outside Residence from within Palawan, kinakailangang icoordinate at itest ang APOR pagdating sa ating PPA at ang danyos sa testing ay magmumula sa APOR
e. Authorized Person Outside Resided from outside Palawan, kinakailangang icoordinate at kinakailangang sumailalim sa 14-day facility quarantine.
Patungkol naman sa ating Public Transportation
a. Ang 1-meter Social distancing ay dapat na sundin at 50% lamang ng kapasidad ng sasakyan ang maaaring pasakayin,
b. Tanging ang residenteng pampasaherong bangka lamang ang pinapayagang mag-operate sa rutang Culion-Coron at mga pasaherong may mga Same day travel order lamang ang pinapayagang sumakay sa bangkang ito,
c. Tanging dalawang (2) pasahero lamang ang maaaring lulan ng isang tricycle at ipinagbabawal ang pag-upo sa likod ng driver,
d. Ipinagbabawal sa mga tricycle ang pagpapasakay ng mga pasyente mula sa PPA patungo ng ospital, ang mga pasyenteng non-covid case na kakadischarged lamang ang maaaring pasakayin ng tricycle na magmumula sa ospital tungo ng PPA.
Ang kooperasyon ng lahat ay ating inaasahan, kaya naman kami sa lokal na pamahalaan ng Culion ay naniniwalang maggagapi natin ang pandemyang ito sa pagtutulungan at pagsunod sa mga alituntuning inilatag ng ating pamahalaan. Sama-sama tayong lalaban at aabante sa bayan ng Culion. Abante Culion!
Tourism Hotline: 0935-474-1064/ 0938-081-2846