Skip to main content

OPISYAL NA PABATID – Pagsasanay ng mga Enumerators na may Kaugnayan sa Pagsasagawa ng 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH) sa Culion

Pinababatid ng Pamahalaang Bayan ng Culion sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera, Municipal Census Coordinating Board Chairperson, kaagapay ang ating Municipal Administrator Maxim F. Raymundo, Municipal Civil Registrar Indira Chiara G. Lagrosa at Assistant Statiscian Cherry B. Moreno, resource speaker mula sa PSA-PPC, na nagsimula kahapon Nobyembre 17, 2020 ang pagsasanay ng mga enumerators na may kaugnayan sa pagsasagawa ng 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH) sa Culion. Ang nasabing pagsasanay ay kasalukuyang ginaganap sa RHU Conference Hall at matatapos sa Nobyembre 22, 2020. Ang mga datos na makakalap ay mahalaga para sa tamang pagpa-plano na ginagawa ng ating gobyerno.

Simula sa Nobyembre 23, 2020 ay agad naming sisimulan ang enumeration o pagkuha ng mga datos na kailangan sa 2020 CPH mula sa 14 barangay sa bayan ng Culion at matatapos sa loob lamang ng 25 na araw, kasama ang mga araw na walang pasok. Sa pagkuha ng mga datos ay nakatitiyak po tayo na walang malalabag sa anumang probisyon ng RA 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Kaugnay nito, hinihiling po namin sa lahat ng mamamayan ng Culion na sa panahon ng enumeration o interview ay mangyari lamang na patuluyin ang mga enumerators at sagutin ang mga katanungan ng sapat at tapat bilang pakikiisa at pakikilahok sa mga plano, proyekto at programa ng ating pamahalaan.

SAMA NA, CENSUS NA – Abante CULION!

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan