OPISYAL NA PABATID PARA SA LAHAT NG MGA BUSINESS OWNERS/ESTABLISHMENTS

Alinsunod sa Ease of Doing Business (EODB) Act of 2018 ay ating ipinatutupad ang Business One Stop Shop (BOSS) na sadyang ginawa upang pagsamasamahin ang mga ahensya ng gobyerno upang mas mapadali ang mga business transactions. Kaya naman ang lokal na pamahalaan ng Culion ay naglulunsad taon-taon ng Business One Stop Shop (BOSS) para sa mga magbubukas ng bagong negosyo at mag rerenew ng business permit. Ito ay gaganapin sa January 4 hanggang January 29, 2021 (sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution no. 2020-1733 na naglalayong palawigin ang duration ng BOSS) sa Bayanihan Covered Court, Barangay Balala.

Sa bisa naman ng Executive Order no. 61 series of 2020 na ipinalabas ni Mayor V ay singkwenta (50) lamang na kliyente kada araw ang maaaring magproseso ng mga requirements at permit nang sagayon maiwasan ang pagbulto ng mga tao upang maisagawa ang nasabing programa alinsunod sa ating minimum health protocols.

Ang schedule ng bawat barangay ay ang mga sumusunod:

January 4-15,2021-Poblacion Barangays (Balala,Tiza, Libis, Osmeña, Culango, Jardin at Baldat)

January 18-29,2021-Outside Barangays (Malaking Patag, Binudac, Halsey, Burabod, Carabao, Luac, Galoc)

Pinapaalalahanan din ang lahat na mag suot ng face mask at faceshield para sa kaligtasan ng bawat isa. Inaasahan ang kooperasyon ng lahat para sa maayos at organisadong takbo ng ating programa. Ang lokal na pamahalaan ng Culion sa pangunguna ni Mayor V ay patuloy na naglilingkod sa ating mga kababayan upang mas mapabilis at mapadali ang proseso ng mga kinakailangang dokumento para sa ating mga kabuhayan sa kabila ng kinahaharap na Pandemya.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!