
OPISYAL NA PABATID PARA SA LAHAT NG MGA JEEP, CHARIOT, BUS AT TRICYCLE DRIVERS
Pinapa-alalahanan po ang lahat na simula sa ika-9 ng Nobyembre taong kasalukuyan, ang mga Jeep, Chariot at Bus na bumabyahe galing sa Barangay Malaking Patag, Binudac, So. Canimango, So. Butnongan, So. Ugnisan, So. Kabel-Kabel at So. Cabulihan papasok ng Poblacion ay hindi na pinapayagang pumasok ng Poblacion.
Ang mga nasabing sasakyan ay mananatili lamang sa designated terminal (TOTAL GAS STATION) sa Sitio Palasan, Barangay Jardin at inaasahan parin ang pag sunod sa social distancing protocol na may 50% passenger capacity.
Mula sa nasabing terminal, ang Culion Tricycle Operators and Drivers Association (CULTODA) ang inaatasan na magsasakay ng mga pasahero/pangarga at sila ay hindi maaaring tumanggi o mamili ng isasakay na pasahero/pangarga. Ang pamasahe sa tricycle ay mananatiling Bente Pesos (Php20.00) bawat tao at limitado parin hanggang dalawang pasehero lamang. Ang mga tricycle na may pangarga ay hindi narin pinahihintulutan na magdeliver palabas ng poblacion, hanggang terminal lamang at ililipat ito sa mga sasakyang bumabyahe palabas ng poblacion.
Kung meron man lumabag, sumuway o katanungan sa nasabing mga regulasyon maaring ipag-bigay alam lamang sa mga kinauukulan. Maaring mag text o tumawag sa mga numerong ito 0915-005-6095 (Globe), 0999-705-5563 (Smart).
Inaasahan po ang kooperasyon ng bawat isa para sa maayos at organisadong takbo ng ating trapiko.