OPISYAL NA PABATID – Regarding to the Title of Lands Contained in Cadastral Map-Cad-1276-d of our Town which was Approved in September 2013

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat!

Ang ating lokal na pamahalaan ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa tanggapan ng Community Environment And Natural Resources Office (CENRO) Coron, Palawan hinggil sa pagpapatitulo ng mga lupang nakapaloob sa Cadastral map-cad-1276-d ng ating bayan na inaprobahan noon Setyembre taong 2013.

Ang tanggapan ng Cenro, Coron, Palawan ay patuloy na tumatanggap ng mga aplikasyon sa pagpapatitulo ng inyong mga pag-aaring lupa sa ating bayan.

Ganun din ang tanggapan ng ating Municipal Assessor ay patuloy sa pagtatasa ng mga lupang di natitinag o real properties para sa pagbayad ng taunang amilyar ng bawat may-ari ng lupa.

Para sa kaalaman ng lahat, sa pagtatasa ng mga pag-aari ninyong lupang di-natitinag o real properties ay kinakailangan ang mga sumusunod:

1. Dalawang (2) kopya ng sertipikasyon mula sa tanggapan ng punong barangay na nasasakupan ng inyong pag-aaring lupa;

2. Dalawang (2) kopya ng sertipikasyon mula sa tanggapan ng Cenro, Coron, Palawan;

3. Dalawang (2) kopya ng “Sworn Statement” ng “True Current and Fair Market Value” ng inyong lupa. Ito ay makukuha sa Assessor’s Office ng munisipyo ng Culion.

Ang pagbibigay ng tunay na serbisyo ng ating lokal na pamahalaan para sa mga mamamayan ang siyang pangunahin sa lahat.

Maraming salamat at pagpalain tayo ng ating poong maykapal!

ABANTE CULION!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan