
Opisyal na Pagbatid: Public Advisory No.3
NAIS IPABATID SA PUBLIKO ANG MGA SUMUSUNOD NA ALITUTUNIN NA ATING DAPAT SUNDIN HABANG NASA STATE OF CALAMITY ANG BUONG PILIPINAS, ALINSUNOD SA DEKLARASYON NG PANGULO.
BILANG TUGON AY NAGLABAS NG EXECUTIVE ORDER ANG ATING MAYORA UPANG TUMUGON SA SULIRANIN NA KAILANGAN AGAD AKSYUNAN AT TUGUNAN NG ATING LOKAL NA PAMAHALAAN.
NAIS IPABATID SA PUBLIKO ANG MGA SUMUSUNOD NA ALITUNTUNIN;
UNA, ANG LAHAT NG MAMAMAYAN NG CULION AY INAASAHAN NA MANATILI SA KANI- KANILANG MGA TAHANAN, IWASAN MUNA LUMABAS AT GUMALA LALO NA AT KUNG HINDI NAMAN ITO IMPORTANTE AT KAILANGAN. MAGTALAGA NG ISANG MYEMBRO NG TAHANAN NA SIYANG BIBILI O LALABAS KUNG KAILANGAN. PAGBALIK NG TAHANAN AY IPANATILI ANG SOCIAL DISTANCING AT IBA PANG ALITUNTUNING PANGKALUSUGAN.
ANG MGA PAMPUBLIKONG LUGAR TULAD NG PARKE, BASKET BALL COURTS, AT IBA PANG MAARING PAGDAUSAN NG PANG PUBLIKONG PAGTITIPUN AY SINASARADO AT PINAGBABAWALAN NA GAMITIN O TAMBAYAN, GAYUN DIN MAHIGPIT NA PINAG BABAWAL ANG PAGKAKAROON NG PIKNIK SA MGA BEACH NA SAKOP NG CULION AT ANO MANG KAGANAPAN NA MAY KINALAMAN SA TURISMO. KAUGNAY NITO AY PANSAMANTALANG INAATASAN ANG MGA ESTABLISYAMENTO NA WALANG KINALAMAN SA MGA PANG ARAW ARAW NA PANGANGAILANGAN NG KOMUNIDAD NA PANSAMANTALANG MAG SARA MUNA. SA LOOB NG TINAKDANG PANAHON HANGANG SA ABRIL 13, 2020, ANG MGA SUMUSUNOD NA ESTABLISYAMENTO ANG MAAARI LANG MAGBUKAS AT MAG PATULOY, ITO ANG MGA SUMUSUNOD:
• Water Refilling Stations
• Money Remittance Center (PALAWAN PAWNSHOP, PERA PADALA/SMART MONEY)
• Groceries, Supermarkets and Sari Sari Stores
• Talipapa na nagtitinda ng karne, manok, isda at gulay. (HINDI kasama dito ang mga naglalako ng paninda at mga nagtitinda lamang sa bangketa)
• Private Medical or Dental Clinics
• Gasoline Stations
• Pharmacies
• Karinderya, subalit mahigpit na ipagbabawal ang kumain sa nasabing kainan, maari lang mag padeliver o magpabalot(take out)
NAIS IPAALALA SA MGA NASABING MGA ESTABLISYAMENTO NA PINAPAYAGANG MAG OPERATE NA MASUSING BABANTAYAN AT MAGMAMATYAG ANG PAMAHALAANG LOKAL UPANG SIGURADUHIN NA WALANG PAGSASAMANTALA NA MAGAGANAP SA PRESYO AT SAPAT ANG SUPPLY NG MGA PANGANGAILANGAN NG BAYAN.
PANSAMANTALANG IPINAGBABAWAL MUNA ANG PAGBYAHE PAPASOK AT PALABAS NG CULION, MALIBAN NA LAMANG KUNG ITO AY SA KADAHILANANG MEDICAL EMERGENCY O MGA BYAHENG MAY PATNUBAY NG LOKAL NA PAMAHALAAN. ANG MGA BYAHE NG MGA BARKO NA MAGDADALA NG SUPPLIES SA MUNISIPYO AY HINDI MAAPEKTUHAN AT SILA AY PAPAYAGAN NA MAGPASOK NG KALAKAL AT PANINDA.
IPINAHIHINTO MUNA ANG PAGBYAHE NG LAHAT NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN SA MUNISIPYO NG CULION, SAKOP NITO ANG MGA TRICYCLE, JEEP, BUS AT MGA BANGKA, SA LOOB NG TINAKDANG PANAHON, SA KADAHILANANG NAIS NATIN NA MAKONTROL ANG DALOY NG TAO UPANG HINDI NA KUMALAT PA ANG SAKIT SA ATING PAMAYANAN.
ANG MGA PRIBADONG SASAKYAN AY PAPAYAGAN NGUNIT MAY MGA KUNDISYON NA KAILANGANG SUNDIN, UNA ANG PRIBADONG SASAKYAN AY MAAARI LANG GAMITIN NG ISANG TAO, IBIG-SABIHIN ANG DRIVER LANG ANG PWEDENG SAKAY UPANG BUMILI NG MGA PANGANGAILANGAN SA KANILANG MGA TAHANAN. ANG PAGSAKAY NG ANGKAS AY MAARI LANG PAYAGAN SA MGA SUMUSNOD NA PAGKAKATAON, KUNG ANG PRIBADONG SASAKYAN AY GINAMIT UPANG PUMASOK SA TRABAHO AT ANG ANGKAS AY ANG MAY BAHAY O KA OPISINA NA NAKATIRA SA PAREHONG BARANGAY O SITIO.
ANG ATING KAPULISAN AT MGA BARANGAY AY INAATASAN NA MAG LAGAY NG CHECK POINT SA MGA KEY AREAS UPANG MAIPATUPAD NG MAAYUS ANG MGA ALITUNTUNIN. PATULOY NA IPAPATUPAD ANG CURFEW SIMULA ALAS 8 NG GABI HANGGANG ALAS 4 NG UMAGA. ANG ATING MGA FRONT LINE PERSONNEL NG LOKAL NA PAMAHALAAN, BARANGAY AT HOSPITAL AY HINDI KASAMA SA CURFEW.
ANG LAHAT NG PERSON UNDER MONITORING O DI KAYA AY MGA GALING SA MANILA O LABAS NG LALAWIGAN NG PALAWAN AY INAASAHAN NA MANATILI SA KANILANG MGA BAHAY AT MAHIGPIT NA SUMUNOD SA ATING MGA PATAKARAN. ANG ATING MGA BARANGAY OFFICIALS AT BHERTS AY ISASAGAWA ANG KANILANG MGA TRABAHO SA PAGMONITOR SA ATING MGA PUM.
AT SA LAHAT NG MGA HINDI RESIDENTE NG CULION NA INABUTAN NG PAGKAKAROON NG QUARANTINE AT NAIS NA LUMIKAS AT BUMALIK SA KANILANG MGA PAMAYANAN, MAYROON KAYONG 48 ORAS MULA SA PAGKAKARON NG TIBAY NG EXECUTIVE ORDER UPANG MAKA LABAS NG CULION, KUNG MAARI PO SANA AY MAKIPAG-UGNAYAN SA TANGAPAN NG OPISINA NG MUNICIPAL ADMINISTRADOR UPANG KAYO AY MABIGYAN NG AYUDA SA INYONG SITUATION.
ANG TANGGAPAN NG ATING LOKAL NA PAMAHALAAN AT IBA PANG PAMPUBLIKONG TANGGAPAN AY SUMUSUNOD SA SKELETAL STAFFING BAGAMAT ANG OPISINA NG ADMINISTRADOR, RHU, MDRRM AT MSWD AY MANANATILING BUKAS AT MAGSISILBI.
MULI NANAWAGAN ANG LOKAL NA PAMAHALAAN SA INYONG PAG-UNAWA AT KOOPERASYON SA IKAKABUTI NG ATING SAMBAYANAN.
NAIS IPABATID NG PAMAHALAANG LOKAL NA ANG SUSI SA ATING PAGTATAGUMPAY KONTRA SA SULIRANIN NA ITO AY NASA DISIPLINA AT MALASAKIT NG BAWAT ISA, HINDI KAKAYANIN NG LOKAL NA PAMAHALAAN ITO MAG ISA, KAILANGAN NG KOOPERASYON AT PAG UNAWA NG BAWAT ISA, MGA MALIIT NA BAGAY NA KUNG ATING SUSUNDIN AY MAGIGING SUSI SA ATING TAGUMPAY. ISANG SAMBAYANAN TAYO, IISA ANG ATING KALABAN, SA PAGTUTULUNGAN SIGURADO NA ATING MALALAMPASAN ANG SAKUNANG ITO NA SUMUSUBOK SA ATING KATATAGAN BILANG ISANG BAYAN. SAMA TAYO SA HIRAP AT GINHAWA, WALANG IWANAN SA PAG ABANTE NG CULION.