Skip to main content

OPISYAL NA PAGSISIMULA NG CIVIL SERVICE MONTH CELEBRATION NGAYONG 2023

Bahagi ng taunang selebrasyon ang Civil Service Month para sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Culion. Nito lang ika-22 ng Setyembre, opisyal na nagsimula ang mga aktibidades, 7 AM ng umaga nagsimula ang misa, na sinundan naman ng motorcade ng bawat team, pagkatapos ay ang Opening Program, at sa huling bahagi ng programa ay ang Ceremonial Awarding of School Titles na kinabibilangan ng Baldat ES, Butnongan ES, Balanga ES, Cabulihan ES, Lumber Camp ES, Malaking Patag ES, Detopiak ES, Luac ES, Canimango ES, CNHS. Dahil ito sa pag pupursige at pagtutulungan ng DepEd at Pamahalaang Lokal na magkaroon ng titulo ang bawat eskwelahan sa bayan ng Culion. Kabalikat ang Pamahalaang Lokal sa pag sulong ng edukalidad sa pangunguna ng ating abang lingkod Mayor V kasama ang PSDS Culion District Gng. Florita P. Rodriguez at ang kanyang kabarong guro, Sangguniang Bayan Members at mga Punong Barangay ng Culion.
Sa taong ito, ang tunggalian ng apat na team ay BATTLE OF THE VENOMOUS SEA CREATURES: Team A – Gatasan, Team B – Pagi, Team C – Walo-walo, at Team D – Tuyom na may temang
Transforming Public Service Into the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes.
#civilservicemonthcelebration
#bayaningempleyado
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan