
Orientation para sa Municipal Ordinance No. 2019-099
Isinagawa ngayong araw. Pinangunahan ni Municipal Tourism Officer, Jubelle D. Cabatingan at Municipal Treasurer, Mr. Renato De Vera ang pagbibigay ng orientation sa mga AE at TA tungkol sa implementasyon ng “Culion Tourism Ecological Fee Ordinance”. Inaasahang ito ay magiging dagdag sa pondo ng pamahalaan para sa mga proyektong pang turismo, pang-kalikasan at pang-kapayapaan. Ang Tourism Ecological Fee na 100 Pesos ay sisingilin sa lahat ng mga turista na bibisita sa bayan ng Culion.
Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor De Vera, sa mga stakeholders, sa kanilang positibong pagtanggap sa ordinansang ito.
#abanteculionturismo
#CulionPalawan
#palawanbestisland
#MIMAROPANaturally