Skip to main content

Our local Government wants to Enlighten the Following: BARANGAY PASS SLIP

O P I S Y A L N A P A B A T I D

Nais pong liwanagin ng ating lokal na pamahalaan ang mga sumusunod:
BARANGAY PASS SLIP:

• Ang Pass Slip ay isang dokumento na pinapamahagi ng Barangay sa mga kabahayang kanilang sinasakupan.
• Isang Pass Slip ang ibibigay sa bawat kabahayan na utorisado na lumabas upang isagawa ang mga pinapayagang aktibidades o gawain.
• Ang Pass Slip ay pwede lamang gamitin dalawang beses sa isang araw; isang beses sa umaga at pangalawa ay sa hapon. Maaring gamitin mahigit sa dalawang beses kung ang rason ay emergencies.
• Ang Pass Slip ay pipirmahan ng bawat checkpoint at may notasyon ng oras, petsa at purpose.
• Para sa mga checkpoint areas: No Slip, No Pass.
• Kung ang likod na pahina ay puno na ng notasyon, pumunta lamang sa barangay upang makapag issue muli ang inyong barangay.
COVID – 19 FREE PASS:
• Ang COVID -19 FREE PASS ay ID para sa mga FRONTLINERS ng LGU, Barangay at CSGH.
• Ang COVID – 19 FREE PASS ay gagamitin lamang para sa PERFORMANCE OF DUTY at hindi para sa personal na pangangailangan.
• Ito ay hindi pwedeng ipasa at gamitin ng ibang indibidwal.
• Ang Personal na pangangailangan ay mangangailangan ng BARANGAY PASS SLIP or OFFICE ORDER.
Ang COVID – 19 FREE PASS ay hindi nagsisilbing EXEMPTION sa CHECKPOINT.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan