Skip to main content

PAALALA mula sa MDRRMO Culion!

Magandang Araw Bayan ng Culion!
PAALALA mula sa MDRRMO Culion!
Ang ating Opisina ay nakikiusap sa ating mga kababayang nakatira malapit sa kabundukan o kagubatan, kung maaari po lamang ay iwasan natin ang anumang uri ng pagsusunog dahil mabilis pong kumalat ang apoy at mahirap apulahin dahil sa pinagsamang sobrang init ng panahon at lakas ng hangin dulot ng Amihan na ating nararanasan sa ngayon.
Kung maranasan natin sa ating barangay ang grass fire o forest fire, inaasahan po natin ang agarang aksyon mula sa mga mamamayang nakatira malapit dito at ang mga opisyales ng Barangay sa pamamagitan ng paglalagay ng Fire Line/Fire Breaker o pagtatabas ng mga damo paikot sa residential area at tumawag sa hotline ng MDRRMO at BFP upang ma-protektahan ang ating mga buhay, kabuhayan, at mga ari-arian bago pa man dumating ang responde mula sa MDRRMO at BFP.
Inaasahan po natin ang kooperasyon ng bawat isa. Maraming salamat po.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan