PABATID – All Government Offices and Public Schools will be Suspended on November 13, 2020

Inanunsyo ng opisina ng Pangulo ng Pilipinas na suspendido parin ang mga pasok sa lahat ng government offices at mga pampumblikong paaralan bukas, November 13, 2020, kaya naman ito ay patuloy na ipinapatupad ni Mayor V sa ating bayan upang tayo ay maging ligtas sa anomang panganib na dulot ng bagyong Ulysses.

Sa kabila nito, ang mga opisina ng MDRRM at Tourism Office ay mananatiling bukas at upang magserbisyo sa panahong ito at magmonitor sa lagay ng panahon. Inaasahan din natin na ang mga opisina ng Administrator, GSO, MSWD, at Engineering ay “On-Call” sa buong araw.

Ganoon pa man, tayo po ay mag-ingat at maghanda para sa bagyo at maaari lamang na ipagbigay alam agad sa ating mga Barangay o sa MDRRM, ang mga kaso ng aksidente sa ating mga lugar.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!