Pabatid at Panawagan na huwag sayangin ang Proyektong Street Solar Light Electrification

Patuloy na kumakatok sa ibat ibang ahensya si Mayor V upang mabiyayaan ang ating bayan ng makabuluhang proyektong para sa ating mga komunidad. Sa kanyang pakikipagugnayan ay nabigyan tayo ng pagkakataong tumanggap ng 10 Milyong halaga ng proyekto para sa street light solar electrification ng ating mga komunidad bagamat may tatlong araw lamang na ibinigau upang maipasa ang mga dokumento. Pinilit ng tanggapan ni Mayor V na maisaayos ang mga papeles kasama ng ibat ibang departamento ng ehekutibo at ang kailangan na lamang ay resolusyon ng sanggunian.

Minabuti ni Mayor V na sumulat kahapon, Huwebes, sa Sangguniang para sa isang Special Session ngayong araw bagamat hindi ito naisakatuparan sa kabila ng impormasyong natanggap ng Sanggunian dahil sina SB Haydee Marasigan at SB Ronald “Onac” Alcantara ay intensyonal na hindi pumasok samantalang sila ay nandito sa ating bayan. Hindi naisagawa ang special session dahil sa kakulangan ng quorum.

Napagalamanan na sila mismo ay tinawagan at binigyan ng paanyaya bagamat sila ay hindi pa din pumasok ng walang maayos at tamang dahilan. Paulit ulit na sila ay inanyayahan at tinatawagan ngunit hindi pa din sila nagpakita. Nanawagan ang ehekutibo na maging responsable ang mga naturang SB para sa kapakanan ng ating mga mamayan. Wag nating sayangin ang pagkakataong mabigyan ng liwanag ang ating mga kalsada dahil lamang nais nilang pasayahin ang tinuturing nilang “amo”.

Sa kasalukuyan ay hindi natin sigurado kung muling ibibigay sa atin ang 10 milyong halaga ng proyekto dahil sa hindi pagpasa sa itinakdang oras at araw.

SB Onac Alcantara at SB Haydee Marasigan, ang bayan ng Culion at mamayan nito ay umaasa na tutuparin ninyo ang inyong sinumpaang panunungkulan at pagsilbi sa bayan. Naway pumasok at makiisa kayo para sa ating mga mamayan.

SB Cecilia Cunanan – Acting Mayor, Present
SB Onac Alcantara – Absent
SB Nilot Sarmiento – Approved Personal Leave
SB Marvie Ballesca – Acting Presiding Officer
SB Nonoy Astor – Present
SB Jun Solas – Present
SB Warnell Dayandante – Present
SB Haydee Marasigan – Absent
ABC Rodel Nacachi – Approved Personal Leave
SK Fed President Aljun Daco – Present

Maraming Salamat.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!