
PABATID: August 21, 2020
Nitong nakaraang Lunes, August 17, 2020, ay nakapagtala ng unang kaso ng local transmission ang Coron, Palawan.
Matatandaan na ang pasyente ay naadmit sa Culion Sanitarium and General Hospital noong Sabado, August 15, 2020. Noong araw din na iyon ay may 3 kamang anak ang nasabing pasyente mula sa Coron, na pumunta sa Bayan ng Culion na walang koordinasyon sa pagitan ng Coron at Culion. Ang mga kamag anak na ito ay masasabing “close contact” ng pasyente. Sa kadahilanang ito ay agarang naisolate sa isolation facility ng bayan ng Culion ang 3 close contacts at agad na hinanap ang mga taong nakasalamuha nito sa Culion upang ipaquarantine. Ang tatlong close contact ay sumailalim sa Nasopharygeal SWAB noong August 18, 2020 base na rin sa pinapatupad na covid19 prevention and control protocol. Kaninang umaga ay lumabas na POSITIBO sa COVID-19 and 3 close contacts na ito base sa resulta na inilabas ng Ospital ng Palawan.
Sa kadahilanang ito ay minabuting ilagay sa isolation facility lahat ng nakasalumuha sa Culion ng tatlong nag positibo at sila ay isasailalim sa Nasopharyngeal SWAB ngayong araw, August 21, 2020.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling sumunod sa mga ipinapatupad na mga alituntunin ng bayan ng Culion. Lahat ay pinapaalalahanan na huwag lalabas kung hindi naman kinakailangan. Manatili ring mahinahon at iwasan ang pagpapakalat ng fake news na maaring magdulot ng panic sa ating komunidad. Maraming Salamat po.
Abante Culion!