
PABATID – Barangay Senior Citizens President Pasyal
Pangarap, plano at gawa. Kung ating matatandaan, pangarap at laging sambit ni Mayor V sa ating mga senior na “pag napaayos natin ang kalsada, pag maganda na ito, magkakaroon tayo ng service vehicle para sa ating mga mahal na lolo at lola, at atin silang ipapasyal sa ating bayan ng kumportable. Gusto kong nag eenjoy na lang sila sa byahe at makita at ma enjoy nila ang progreso ng ating bayan “.
Kaya nong September 24, 2021, araw ng biyernes, matapos ang kanilang pagpupulong, ang mga barangay senior citizens president ay ating ipinasyal lulan ng service vehicle na sinamahan ni MSWDO – Arlene Ballesca at OSCA president – Gil Valientes.
#IHealCulion
#AbanteCulion
#MalasakitSaSeniorCitizen