Pabatid – Brgy Jardin will be temporarily subject to the “Enhanced Regulation of Home Quarantine”
Pansamantalang isasailalim sa “Enhanced Regulation of Home Quarantine” ang Brgy Jardin dahil sa isang insidente na iligal na pagpasok ng isang indibidwal mula sa munisipyo na may local transmission. Ang nasabing indibidwal ay nagkaroon ng malawak na contacts sa ibat ibang indibidwal at tahanan sa nasabing barangay.
Dahil sa nasabing direktiba, ang mga sumusunod ay ipapatupad:
1. Ang ating mga frontliners lamang ang papayagang nasa labas ng kanilang tahanan.
2. Muling ipapatupad ang mahigpit na checkpoint sa bawat boundaries ng Brgy Jardin.
3. Ang lahat ng establishments ay mananatiling sarado.
4. Ang ating PASUYO PROGRAM ay muling ipapatupad.
5. Agarang relief distribution ang isasagawa bukas ng ating munisipyo at barangay.
6. Ang lahat ng aktibidades o anu mang gawain sa labas ng tahanan ay hindi pinapayagan.
Ang hakbang na ito ay isinasagawa upang maagapan ang anu mang posibleng di kanais nais na pangyayari. Pinaigting ni Mayor V ang maagap na pagkilos ng ating lokal na pamahalaan, munisipyo at barangay, upang masigurado na ligtas ang bawat isa at mailayo sa anu mang posibleng kapahamakan. Isasailalim sa Rapid Testing bukas ang naturang indibidwal upang masigurado ang ating mga susunod na hakbang.
Inaasahan ang pakikiisa ng bawat isa para sa kaligtasan at kaayusan ng bawat mamayan.