Skip to main content

PABATID: MAYOR V MULING MAGHAHANDOG NG LIBRENG KASALANG BAYAN SA MAYO!

Mula sa Programang Malasakit: “Karasalan sa Banua” muling ipag kakaloob ng ating Mahal na Mayor Ma. Virginia N. De Vera sa ating mga kababayan ngayong darating na Mayo bilang bahagi ng Tirimes-times sa Barangay Festival Celebration 2021.

Ito ay taonang handog ng Lokal na Pamahalaan sa mga nag sasama ng limang taon o higit pa upang maging legal ang pag-sasama at maging ang mga dokumento, higit para sa kanilang mga anak.

Simula sa araw na ito ang mga nais mag palista at interesado kayo po ay inaanyayahan na mag tungo kasama ang inyong kapareha sa opisina ng Municipal Civil Registrar Office (MCR) simula Lunes hanggang biyernes 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon upang makuha at maitala ang inyong tamang datos. Pinapayuhan na magdala lamang ng mga sumusunod na dokumento:

a. (1) kopya ng Birth Certificate o Baptisimal Certificate

b. (1)kopya ng Barangay Certification, patunay na kayo’y risedente ng inyong barangay na sakop ng Culion

c. Valid I.D (Barangay I.D, Voters I.D o ano mang government issued I.D)

Ang huling araw ng pag papalista ay sa darating na April 20, 2021. Para sa karagdagang tanong o pag lilinaw kayo ay maaring tumawag sa numerong 0939-5499-360/0917-7506-915 o hanapin lamang si Ms. Indira Chiara G. Lagrosa.

#mahawangtunaynapagibig

#karasalansabanua

#kasalangbayan

#LibrenghandogniMayorV

#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan