PABATID: NAITALA ANG PANGALAWANG KASO NG COVID-19 SA ATING BAYAN NG CULION

Ang NAGPOSITIBO SA COVID-19 ay isang Locally Stranded Individual (LSI), 50 years old na lalaki na dumating sa Bayan ng Culion noong Sept. 27, 2020 (Sunday) mula sa Cavite at sakay ng June Aster. Asymptomatic ang LSI ng dumating sa Culion. Siya ay nag positibo (IgG at IgM) sa SARS-CoV 2 Antibody Rapid test na ginawa sa unang araw simula ng kanyang pagdating sa Culion alinsunod sa protocol na pinapatupad sa ating bayan. Agaran siyang hiniwalay sa iba pang LSI matapos ang nasabing resulta. Noong Sept. 28, 2020 (Lunes) ay nagkasintomas ng ubo ang pasyente kaya sumailalim sa swab test ang naturang LSI at ipinadala sa Ospital ng Palawan, Puerto Princesa para isailalim sa CONFIRMATORY TEST para sa Covid-19. Ngayong araw ng Biyernes, October 02, 2020, 8:30 ng umaga ay lumabas na ang resulta ng nasabing test na nagsasaad na POSITIBO sa SARS-Cov-2 o Covid-19 ang LSI.

Sa kasalukuyan ay nasa isolation facility ang nag positibo, nakahiwalay sa iba pang LSI, at wala ng sintomas ng ubo o iba pang sintomas tulad ng ubo, lagnat, sipon, o hirap sa paghinga. Siya ay patuloy na minomonitor ng ating mga medical fronliners.

Ipinapaalam po sa lahat na ang kasong ito ay HINDI ISANG LOCAL TRANSMISSION. Bagamat sinisigurado ng ating Lokal na Pamahalaan sa panguguna ng IATF na tayo ay handa at nasa ating control ang kasong ito ay pinapayuhan ang bawat isa na patuloy na makiisa at makipagtulungan. Mangyaring ang lahat ay mahigpit na sumunod sa ating mga protocols at minimum health standards. ABANTE CULION!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!