
PABATID: NAITALA ANG UNANG KASO NG COVID-19 SA ATING BAYAN NG CULION
Ang NAGPOSITIBO SA COVID-19 ay isang Locally Stranded Individual (LSI), 19 years old na dumating sa Bayan ng Culion noong July 26, 2020 (Sunday) mula sa Manila at sakay ng June Aster. Asymptomatic ang LSI ng dumating sa Culion. Subalit siya ay nag positibo sa SARS-CoV 2 Antibody Rapid diagnostic test na ginawa sa unang araw simula ng kanyang pagdating sa Culion alinsunod sa protocol na pinapatupad sa ating bayan. Agaran siyang hiniwalay sa iba pang LSI matapos ang nasabing resulta. Ang swab test ay ginawa sa naturang LSI noong July 27, 2020 at ipinadala sa Ospital ng Palawan, Puerto Princesa para isailalim sa CONFIRMATORY TEST para sa Covid-19. Nitong July 30, 2020 8:00 ng umaga ay lumabas na ang resulta ng nasabing test na nagsasaad na POSITIBO sa SARS-Cov-2 o Covid-19 ang LSI.
Sa kasalukuyan ay nasa isolation facility ang nag positibo, nakahiwalay sa iba pang LSI, at siya ay nananatiling aymptomatic o walang sintomas tulad ng ubo, lagnat, sipn, o hirap sa paghinga. Siya ay patuloy na minomonitor ng ating mga medical fronliners. Isasailalim naman sa Swab Testing ang apat (4) pa nitong nakasabay sa jun aster na sa kasalukuyan ay naka isolate sa ating facility.
Bagamat sinisigurado ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng IATF na tayo ay handa at nasa ating control ang kasong ito ay pinapayuhan ang bawat isa na patuloy na makiisa at makipagtulungan. Mangyaring ang lahat ay mahigpit na sumunod sa ating mga protocols at minimum health standards. ABANTE CULION!