
PABATID NG CULION IATF
Sa ngayon ang bayan ng Culion ay nahaharap sa isang malaking pagsubok na dulot ng pandemya. Sa loob ng mahigit pa sa isang taong pakikibaka ng Bayan ng Culion laban sa Covid-19 ay naging free from covid local transmission tayo bagamat hindi inaasahang nagkaroon ng dalawang kaso ng local transmission sa ating bayan.
Matatandaan na naitala noong April 10, 2021 araw ng sabado ang unang dalawang kaso ng Covid-19 sa bayan ng Culion. Dalawang magigiting na frontliners ng Culion Sanitarium and General Hospital ang tinamaan ng Covid-19. Ang nasabing mga front liners ay kumpirmadong “active in duty” bago sila tinamaan ng sakit at walang mga travel history.
Agad na isinagawa ang contact tracing upang mahanap lahat ng posibleng nakasalamuha sa komunidad ng mga nasabing kaso. Sa ngayon ay maayos na naquarantine ang mga close contact nito sa komunidad ng Culion. At patuloy ang pagmomonitor sa mga ito. Hinihingi po namin ang tulong ng lahat na kung ikaw ay naging pasyente o bantay ng pasyente nitong nakaraang linggo ng Culion Sanitairum and General Hospital ay agad na makipag ugnayan sa nasabing ospital upang tuluyan ng matapos ang contact tracing para sa dalawang unang kaso na nabanggit.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang malawakang contact tracing na ginagawa sa buong bayan ng Culion.Sa kasalukuyan ay may mga hinihintay pa tayong mga resulta ng SWAB TEST ng frontliners ng CSGH na nakasalumuha ng nasabing dalawang kaso.
Ang ating lokal na pamahalaan ay agarang nagimplementa ng Enhanced Community Quarantine sa Poblacion Barangay ( dahil walang apektado sa outside Poblacion Barangay) kasunod ng agarang ayuda at pasuyo program upang masigurado na maagapan ang mga pangangailangan ng mga apektadong barangay.
Inaasahan ang kooperasyon at pakikiisa ng bawat isa. Panalangin ng agarang paghilom ang ating dasal. Tayo ay makakaraos at aabante!