PABATID November 19, 2020

Sa kabila na pandemyang ating dinaranas ay patuloy tayong aabante. Kaya naman, sa pangunguna ni Mayor V ay malugod naming ipinababatid na tapos na ang mga covered courts na mula sa pondo ng ating lokal na pamahalaan (20% Development Program taong 2019 at 2020). Ang mga covered courts na ito ay ipinangalan sa ating mga iginagalang na tao na nagpakita ng tunay na malasakit at serbisyo sa ating bayan. Sa pamamagitan ng Municipal Ordinance no. 2020-144 at 2019-107, ang mga pangalang ito ay naisakatuparan:

BES Judge Roberto P. Reyes Covered Court

Sitio Alava Dr. Casimiro B. Lara Covered Court

Sitio Canimango Dr. Nilo P. Viado Covered Court

CNHS Dr. Paul Evangelista Covered Court

Ang mga pangalan ng mga covered courts na ito ay nakakabit na sa istorya ng ating bayan at maging ang kanilang karangalan, kaya kami sa lokal na pamahalaan ng bayang ito sa pangunguna ni Mayor V De Vera ay patuloy na magbibigay ng tunay na serbisyo at kasama ninyo sa patuloy na pag-abante ng bayan ng Culion.

Abante Culion!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!