
PABATID PARA SA MGA BUSINESS OWNERS AND ESTABLISHMENTS
Inaprubahan ng ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera at ng Sangguniang Bayan ang Municipal Ordinance No. 2022-165 na kung saan binibigyan ng pagkakataon ang ating mga mamamayang negosyante na makapag-renew ng kanilang Mayor’s Permit at business permit ngayong taon na walang anumang kaakibat na penalties o surcharges para sa nagdaang taong 2020 at 2021. Layunin ng ating lokal na pamahalaan na sa bisa ng ordinansa ay makatulong ito para sa ating mga kababayan na makaahon sa kani-kanilang negosyong naapektuhan dulot ng pandemyang COVID-19.
Patuloy ang pagtulong at suporta ni Mayor V sa lahat ng mamamayan ng Culion na sa kabila ng problema at hamon na dulot ng COVID-19 ay hindi tumitigil ang Programang Malasakit ng administrasyon para sa ikauunlad ng ating bayan.
Abante Culion!