Pabatid Patungkol sa mga Strandees na Taga Culion sa bBayan ng Coron at taga Coron na Nandito sa Bayan ng Culion

Pabatid ni Mayor V.

Kaugnay sa naunang pabatid patungkol sa mga strandees na taga Culion sa bayan ng Coron at taga Coron na nandito sa bayan ng Culion, bukas po ang huling araw ng pag papauwi ng mga residenteng taga CULION na naabutan ng lockdown sa bayan ng CORON, gayundin ang mga taga CORON na na naabutan ng lockdown sa bayan ng CULION makipag ugnayan lamang po sa opisina ng Culion Turismo sa numerong nasa ibaba mula ngayong oras hanggang bukas alas 8:00 ng umaga para mailista kayo sa bangka patungo at pabalik ng CORON at CULION.

Ang Bangka po patungo ng CORON ay nasa Pier ng CULION at nakatakdang umalis bukas sa ganap na ika 9:00 ng umaga at nakatakdang umalis naman ng CORON sa ganap na ika 1:00 ng hapon.

CULION TOURISM OFFICE

Hotline nos.

Globe # 0935-474-1064

Smart# 0938-081-2846

Maraming Salamat, at manatili po tayong ligtas sa Covid 19.

Abante Culion!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!