
PABATID Sa bisa ng Executive Order No. 75, Series of 2021 na pinirmahan ni Mayor V, ay pormal ng tinatanggal ang enhanced community quarantine o granular quarantine sa Brgy. Osmeña
Sa bisa ng Executive Order No. 75, Series of 2021 na pinirmahan ni Mayor V, ay pormal ng tinatanggal ang enhanced community quarantine o granular quarantine sa Brgy. Osmeña. Samantalang mananatili sa ECQ ang ilang porsyon ng Brgy Jardin. Ang kautusang ito ay epektibo bukas alas sais ng umaga, May 8, 2021.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang 15 active covid positive patients ang Brgy Osmena na nailipat na sa isolation areas; samantalang ang kanilang mga primary close contact na nagnegatibo sa inisyal na testing ay nanatiling naka strict home quarantine.
Ipinapaalala pa rin po sa lahat na ang pag tanggal ng enhanced community quarantine sa nasabing barangay ay hindi nangangahulugan na ligtas na sa banta ng Covid-19 ang ating bayan. Inaasahan pa rin po ng LGU ang inyong kooperasyon at pagsunod sa mga minimun health standards na mahigpit na ipinatutupad sa bayan ng Culion.
Ang sino man pong may mararamdamang sipon, ubo o lagnat ay agad na makipagugnayan sa kani kanilang bherts o di kaya tumawag sa ating RHU or MDRRM Hotlines.
09673969828 MDRRM Hotline
09774129916 RHU Hotline.
Ang pagkakaisa at kooperasyon ay ating susi para sa kaligtasan ng bawat isa. Abante Culion!